NILINAW | Trillanes, hindi aarestuhin – NCRPO

Manila, Philippines – Hindi aarestuhin si Senador Antonio Trillanes sa kabila ng inisyung arrest warrant ng korte kaugnay ng kasong libelo na isinampa nina dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at bayaw na si Atty. Mans Carpio.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar, sa ilalim ng constitutional provision, ang mga senador at kongresista ay may immunity mula sa pag-aresto kung ang mga kaso ay may parusang pagkakakulong na hindi lalagpas sa anim na taon.

Aniya, kasong libel ay may anim na buwan hanggang apat na taon lamang na parusang pagkakakulong.


Dahil dito, kailangan nilang sumunod sa itinakda ng konstitusyon.

Facebook Comments