NILINIS | MMDA, muling nagsagawa ng clean up drive sa Manila Bay

Manila, Philippines – Muling nagsagawa ng clean-up drive ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Manila Bay.

Ayon kay Roy Taguinod, pinuno ng MMDA Traffic Discipline Office, mahigit pitong truck ng mga basura ang nahakot nila.

Aniya, galing Bataan, Cavite, Bulacan at iba pang lugar sa Metro Manila galing ang mga basurang napadpad sa Manila Bay.


Naging katuwang ng MMDA sa clean-up drive ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng maynila at halos 200 street sweepers.

Facebook Comments