NILUSOB | 14 patay sa Taliban attack sa Afghanistan

Afghanistan – Pumalo sa 14 na tao ang patay matapos ang pag-atake ng Taliban sa Ghazni Province, Afghanistan.

Sa ulat, nilusob ng mga Taliban ang police headquarters sa Khwaja Omari district kung saan kabilang sa mga nasawi ay ang district governor ng Khwaja Omari district.

Tumagal ng tatlong oras ang labanan hanggang makatakas ang mga rebeldeng grupo.


Facebook Comments