NILUSOB | Ilang tauhan ng Galas Police Station inireklamo ng pangingikil.

Manila, Philippines – Sinalakay ng QCPD DSOU at SWAT ang Galas Police Station dahil sa reklamong pangingikil ng ilang pulis.

Ayon sa nagreklamong drug suspek, hinuli siya at ang dalawa niyang kaibigan sa Tomas Morato ng mga nagpakilalang pulis dahil sa paglabag sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Kasunod nito, humirit umano ang mga pulis sa kaanak ng suspek na magbigay ng P200,000, kapalit ng pagpapababa sa kaso.


Sa halip na drug selling na walang pyansa — gagawin na lamang itong drug possession na bailable.

Nakapagbigay na ang mga kaanak ng mga suspek ng P200,000, pero humingi pa umano ang mga pulis ng karagdagang P100,000.

Ayon kay QCPD Station 11 Commander PSupt. Igmedio Bernaldez, iniimbestigahan na nila ang insidente. Sisibakin din aniya sa pwesto ang siyam na SDEU personnel kung mapatunayang may sala sila.

Dagdag ni Bernaldez — target talaga ng operasyon ang mga suspek at may mga nakuhang shabu sa kanila sa nangyaring buy bust operation.

Facebook Comments