Manila, Philippines – Dahil sa itlog, muntik nang makaharap ng isang labing dalawang taong gulang na lalaki sa kamatayan.
Ito ay matapos na maswerteng nasugatan lang ito matapos siyang barilin ng kapitbahay dahil sa pagnanakaw niya ng itlog sa Tigbao, Zamboanga Del Sur.
Kinuha umano ng batang lalaki ang mga itlog ng alagang pato ng suspek na Si Junrey Banay kaya siya binaril.
Nagtamo ng tama ng bala sa braso ang biktima.
Isinugod naman sa ospital ng mga kapitbahay ang batang lalaki.
Sinubukan ni Banay na tumakas pero agad ding inaresto ng mga pulis sa follow-up operation.
Kasong frustrated murder ang isinampa sa suspek.
Facebook Comments