Quezon City – Pinasok ng mga kawatan ang opisina ng Land Transportation Office (LTO) sa East Avenue, Quezon City.
Ayon kay LTO Law Enforcement Director at Spokesman Francis Almora, kabilang sa pinasok ng mga kawatan ang tanggapan ng data control unit, custodial at investigation division.
Aniya, natuklasan lamang ng mga empleyado ang panloloob matapos makitang magulo ang mga opisina sa ikalawang palapag ng gusali.
Posible aniyang dumaan ang mga magnanakaw kung saan nakapuwesto ang aircon units.
Tiniyak naman ni Almora na walang nanakaw na mga mahalaga at sensitibong dokumento.
Kabilang naman sa ipapatawag ng mga otoridad para sa imbestigasyon ang mga construction worker sa kalapit na gusali maging ang mga nag ta-trabaho sa renovation ng law enforcement service building.