Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na “little maritime incident” lang ang pagbangga ng Chinese vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy sa Recto Bank.
Sa kanyang talumpati sa oath-taking ng mga anak na sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Vice Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte sinabi ng Pangulo na hindi pag-atake sa soberenya ng bansa ang insidente.
Giit pa ni Pangulong Duterte, hindi siya takot sa China.
Kinuwestyon din ng Pangulo ang ‘nine-dash-nine’ claim ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Facebook Comments