NINJA COPS | PNP, inaming malaking tulong sa hanay ang ₱5 million pabuyang alok ni PRRD

Manila, Philippines – Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte ₱5 million na pabuya sa bawat mapapatay na ‘Ninja Cop’.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – ang cash incentive ay makatutulong na mapigilan ang mga police scalawag na gawin ang kanilang ilegal na aktibidad.

Aniya, palalakasin din nito ang morale ng mga pulis.


Pero sinabi ni Albayalde – dapat legal at naaayon sa tamang proseso ang mga isasagawang operasyon laban sa mga tiwaling pulis.

Facebook Comments