Manila, Philippines – Ipinauubaya na ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga susukong ninja cops ang pagdepensa sa kanilang mga sarili laban sa mga sindikato.
Ito ay dahil sa posibleng balikan sila ng mga kinaanibang sindikato sa oras na sila ay sumuko na.
Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, alam na ng mga ninja cops na ito kung paano idepensa ng kanilang sarili.
Armado aniya ang mga ito, kaya maari nila itong gamitin sa oras na malagay sa panganib ang kanilang buhay.
Dagdag pa ni Albayalde tukoy o kilala naman ng mga ninja cops ang grupo ng sindikato maaring pumatay sa kanila dahil nakasama nila ito sa mga iligal na transaksyon.
Sa panig aniya ng Philippine National Police (PNP) ang maibibigay nilang tulong sakaling sumuko ang isang ninja cop ay bigyan sila ng due process at respetuhin ang kanilang karapatan.
Batay sa rekord ng PNP, may 1700 na mga pulis sila g binabatanyan na umano ay mga ninja cops.
Ang ninja cops ay ang mga pulis na nagre-recycle ng mga iligal na droga na kanilang nakukumpiska.