Ninoy Aquino Day, nagpapatunay lamang na nakamit na ng mga Pilipino ang tunay na demokrasya ng bansa

Tuluyan nang nakamit ng mga Pilipino ang demokrasya at kalayaan.

Ito ang sinabi ni Senator Bam Aquino matapos ang wreath-laying ceremony o pag-aalay ng bulaklak sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasabay ng ika-42 anibersaryo ng Ninoy Aquino Day.

Ayon kay Senator Bam Aquino, nararamdaman na ng mga Pinoy ang ang demokrasya lalo na’t may kapangyarihan na ang mga mamamayan para ipagtanggol ang karapatang pantao at makapagdesisyon sa pulitika.

Ngunit aniya, hindi iisang tao lamang ang dapat ay lumalaban kung hindi dapat ay sama-sama ang mga Pilipinong lumaban para sa karapatan.

Samantala, nagkaroon naman ng misa, kaunting programa at pagtitipon ang ilan sa miyembro ng pamilya Aquino, ilang kaibigan ng dating senador at mga taga-suporta nito sa Manila Memorial Park sa Parañaque City at iginiit ang mensaheng “Every Filipino is worth dying for.”

Facebook Comments