NIRE-RECYCLE DAW? | Imbakan ng mga ebidensyang droga sa iba’t ibang tanggapan ng PNP Crime Laboratory, surpresang ininspeksyon ng PNP

Manila, Philippines – Nagsagawa ng biglaang inspeksyon ang Philippine National Police sa mga imbakan ng ebidensyang droga sa mga opisina ng PNP crime laboratory.

Kasunod ito ng impormasyong nakuha ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na may mga pulis na nagre-recycle ng mga nakukumpiskang droga.

Sinabi ni General Bato, simula nitong nakalipas na araw ng lunes, sinuyod nila ang mga tanggapan ng PNP crime lab sa buong Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon ang mga rehiyon na batay sa monitoring ng PNP ay maraming kumakalat na iligal na droga.


Sa ginawang surprise inspection walang nakitang iregularidad ang PNP ibigsabihin ayon kay Dela Rosa na walang nawawalang mga ebidesnyang droga.

Sa ngayon ang crime lab nalang ng Northern Police District ang hindi pa tapos sa inspeksyon.

Sinabi ni Dela Rosa na ang mga nagsagawang inspeksyon ay mga opisyal at tauhan ng intelligence group, CIDG at PNP Drug Enforcement Group.

Facebook Comments