Pinag-usapan sa regular na sesyon ng mga Sangguniang Panlungsod Member at Vice Mayor Leoncio Bong Dalin Jr. bilang Chair ng sesyon ang inirereklamong babuyan sa Barangay Sillawit dito sa Lungsod ng Cauayan.
Una itong inilatag ni Councilor Atty. Paul Mauricio na kung saan nagdudulot aniya ito ng perwisyo sa mamamayan dahil sa masangsang na amoy nito lalo na sa mga residenteng malapit sa piggery farm
Ayon kay Atty. Mauricio, kung hahayaan lamang ito ay maaaring magdulot ng sakit sa mga tao lalo na sa mga bata.
Kaugnay nito, hiniling ng Konsehal na magkaroon ng Committee hearing sa lahat ng mga may-ari ng piggery at poultry farm para matalakay ang mga dapat gawin at para mabigyan din ito ng solusyon.
Ayon naman kay Vice Mayor Bong Dalin, sinabi nito na kailangang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga may-ari ng nirereklamong babuyan at manukan para personal na mabisita at mabigyan ng unang warning.
Facebook Comments