NIRERESPETO | Desisyon ng Makati RTC, iginagalang ng Malacañang

Manila, Philippines – Nirerespeto ng Malacañang ang desisyon ng Makati Regional Trial Court Branch 148 ang pagpapaliban sa pag-isyu ng warrant of arrest at hold departure order (HDO) laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay desisyon ng korte at ito ay iginagalang ng administrasyon.

Ipinagpaliban ni Judge Andres Soriano na desisyunan ang petisyon ng DOJ na mag-isyu ng warrant at HDO laban sa senador.


Itinakda ni Judge Soriano ang pagdinig sa kasong coup d’etat ni Trillanes sa October 5, alas nuebe ng umaga.

Dahil sa deferment ng korte sa WOA at HDO ni Trillanes, nagkaroon ng pagkakataon ang senador na makauwi sa kanilang tahanan ngayong weekend matapos ang isang linggong pananatili nito sa Senado.

Facebook Comments