Manila, Philippines – Nirerespeto ng Malacañang ang posisyon ng Department of Education (DepEd) sa isyu ng drug testing sa mga mag-aaral.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, posibleng sa sekondarya na lang ipatupad ang drug testing.
Una nang nanindigan si DepEd Secretary Leonor Briones na labag sa Republic Act 9165 na nagtatakda na maari lamang isailalim sa random drug testing ang mga estudyante sa sekondarya at kolehiyo.
Maari kasi aniyang maging bangungot ang panukalang ito ng PDEA dahil 14 na milyong estudyante mula grade 4 hanggang 12 ang sangkot dito.
Facebook Comments