NIRERESPETO | Rekomendasyong sampahan ng usurpation of legislative powers si dating P-Noy, iginagalang ng Malacañang

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na malabnaw ang desisyon ng Office of the Ombudsman na sampahan ng kasong Usurpation of Legislative powers dahil sa kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program o DAP.

Matatandaan na bukod kay dating Budget Secretary Florencio Butch Abad ay isinama na ng Ombudsman si Aquino matapos paboran ang Motion for Reconsideration na isinampa para mabaligtad ang una nitong desisyon noong 2017.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, iginagalang nila ang desisyon ng Ombudsman sa kaso ng dating Pangulo.


Pero sinabi din nito na sana ay mas mabigat o mas mataas na kaso ang isinampa laban sa dating Pangulo at sa dating Budget Secretary.

Nabatid na hindi lang DAP ang kasong isinampa laban kay dating Pangulong Aquino, matatandaan na nasampahan din ito ng kaso dahil sa issue ng Dengvaxia at Mamasapano massacre.

Facebook Comments