Manila, Philippines – Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Llorente, Eastern Samar alas-9:05 kaninang umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, nakita ang episentro ng lindol 17 kilometro sa kanluran ng Eastern Samar.
May lalim itong 30 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Samantala, naramdaman din kaninang alas-9:53 ang 3.0 magnitude na lindol sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.
60 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.
Wala namang napaulat na pinsalang idinulot ang naturang lindol.
Facebook Comments