NIYANIG | 4 sugatan sa tumamang magnitude 6.1 na lindol sa Japan

Japan – Apat ang sugatan sa malakas na lindol na tumama sa Japan.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, naramdaman ang magnitude 6.1 na lindol sa Oda City ala 1:32 ng madaling araw nitong Lunes, oras sa Japan.

Naitala naman ang pinakamataas na intensity scale 7.


Kabilang sa apat na nasugatan ang 17 anyos na lalaki na nahulog sa kaniyang kama dahil sa sobrang lakas ng pagyanig.

Nasa 100 bahay naman ang nawalan ng suplay ng tubig sa Oda City at 50 bahay ang nawalan ng kuryente.

Nakapagtala din ng pinsala sa ilang gusali at bitak sa mga kalsada.

Facebook Comments