NIYANIG | Higit 200, sugatan sa magnitude 6.3 na lindol sa Iran

34

Muling kinumpirma ng Iran na walang nasawi sa magnitude 6.3 na lindol sa Ilam City.

Pero ayon kay Houshang Bazvand, governor ng Kermanshah Province – aabot sa 200 hanggang 210 katao ang nasugatan.

Sa datos ng U.S. Geological survey, ang sentro ng lindol ay nasa 114 kilometers hilagang kanluran ng Ilam City at may lalim na 65 kilometro.

Ang pagyanig ay naramdaman din sa Iraqi capital na Baghdad at sa Kuwait.

Patuloy pa ring inaasahan ang aftershocks at nagpadala na ng rescue teams sa mga lugar na lubos na naapektuhan ng lindol.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments