Papua New Guinea – Higit sa tatlompu ang pinaniniwalaang patay sa pagtama ng magnitude 7.5 na lindol sa Papua New Guinea.
Hindi naman bababa sa labing tatlo ang patay sa me Ndi, habang labing walo sa Kutubu at Bosave.
Sugatan naman ang 300 katao.
Ayon kay Chief Secretary Isaac Lupari, agad na pinakilos ang militar para maibalik ang mga serbisyo at imprastruktura.
Tumama ang magnitude 7.5 na lindol sa Papua New Guinea, 90 kilometro sa timog ng Porgera sa lalawigan Enga noong Lunes.
Sinundan pa ito ng dalawang malalakas na aftershocks.
Facebook Comments