NIYANIG | Ilang bahagi ng region IV-B, nilindol kagabi

Occidental Mindoro – Niyanig ng 4.2 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng region IV-B kagabi.

Sa ulat ng PHIVOLCS, naramdaman ang lindol alas-6:47 ng gabi kung saan ang epicenter niot ay nasa 28 km hilagang silangan ng Calintaan, Occidental Mindoro.

May lalim din itong isang kilometro at itinuturing na mababaw, kung ihahalintulad sa ibang pagyanig.


Tectonic ang pinagmulan ng lindol at wala nang aftershocks na naransan at wala din napa-ulat na pinsala sa nasabing lugar.

Facebook Comments