NIYANIG | Indonesia, muling niyanig ng lindol

Indonesia – Muling niyanig ng magkasunod na lindol ang isla ng Lombok, Indonesia.

Naramdaman ang 6.3 na lindol linggo ng hapon sa bayan ng Belanting habang sinundan ito ng pagyanig Lunes ng madaling araw.

Ayon sa Disaster Mitigation Agency, dalawa ang naitalang namatay matapos na mabagsakan ng mga gumuhong bahay.


Mahigit 100 din na bahay ang matinding napinsala ng pagyanig.

Dalawang linggo ang nakakaraan nang yanigin ng malakas na 6.9 magnitude na lindol ang Lombok kung saan 460 ang namatay.

Facebook Comments