NIYANIG | Magkakasunod na lindol, niyanig ang ilang lugar sa bansa

Manila, Philippines – Kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon niyanig ng magkakasunod na lindol ang ilang lugar sa bansa.

Alas 12:04 kaninang hatinggabi nang maitala ang magnitude 2.6 na lindol sa Bansud, Oriental Mindoro.

Nasundan ito ng magnitude 2.1 na lindol sa Maasim, Saranggani ala 1:16 at sa Prieto Diaz, Sorsogon dakong alas 2:47 ng madaling araw.


Alas 4:59 naman nang maitala ang magnitude 3.2 na lindol sa bayan ng Prosperidad, Agusan Del Sur.

Wala pang isang oras, nasundan ito ng magnitude 3.0 na lindol sa kaparehong lugar.

Magnitude 3.3 na lindol naman ang naramdaman sa Dauin, Negros Oriental alas 8:04 kaninang umaga.

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng mga pagyanig. Wala namang naitalang pinsala ang lindol.

Facebook Comments