NIYANIG | Magnitude 6.4 na lindol, tumama sa Taiwan

Hualiean City, Taiwan – Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang Hualiean City, Taiwan.

Ang epicenter nito ay nasa 21 kilometro hilaga-hilagang silangan ng lunsod habang may lalim itong 9.5 kilometers.

Ilang gusali at establisyimento ang napinsala habang nagkasa na ng disaster relief operation.


Bago ito, tumama ang isang magnitude 6.1 na lindol sa lugar nitong nakaraang linggo.

Facebook Comments