NIYANIG | Marianas Trench – Gumalaw, magnitude 5.6 na lindol, naitala malapit sa Guam

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Marianas Island malapit sa teritoryo ng Guam.

Naitala ng United States Geological Survey ang episentro ng lindol sa 122 kilometro sa timog-silangan at may lalim na 15.6 kilometro.

Unang naitala ng USGS na may lakas na magnitude 6.0 ang pagyanig pero ibinaba ito sa magnitude 5.6.


Ang pagyanig ay dahil sa paggalaw ng Marianas Trench

Wala namang naitalang nasakyan at hindi na rin nagtaas ng banta ng tsunami ang mga otoridad sa Guam, sa US o sa Northern Mariana Islands.

Facebook Comments