Walang Filipino casualties sa nangyaring magnitude 7.0 na lindol na tumama sa Anchorage, Alaska Biyernes ng umaga.
Ito ang kinumpirma ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa Philippine Consulate General sa San Francisco, patuloy ang koordinasyon nila sa mga lider ng Filipino Community sa Anchorage upang mabatid ang kundisyon ng ating mga kababayan.
Sa pinakahuling datos ng DFA mayroong tinatayang 25,000 members ng Filipino Community sa Alaska.
Pinapayuhan din ang mga Pinoy na mag-ingat dahil sa ilang aftershock.
Facebook Comments