Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Kalamansig, Sultan Kudarat — PHIVOLCS

Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Kalamansig, Sultan Kudarat kaninang alas 10:13 ng umaga.

Ayon sa PHIVOLCS, natukoy ang sentro ng lindol sa siyam na put isang kilometro Timog-Kanluran Kalamansig, Sultan Kudarat.

Paliwanag ng PHIVOLCS may lalim ang lindol na 651 kilometer at tectonic ang origin o pinagmulan.


Naitala ang Intensity II – City of Tagum, Davao del Norte.

Asahan na umano ang mga aftershocks matapos ang malakas na lindol.

Kasunod nito, wala umanong inaasahan na tsunami.

Facebook Comments