NIYANIG | Twin quakes, tumama sa Sumba Island, Indonesia

Niyanig ng panibagong lindol ang Indonesia kaninang umaga.

Sa datos ng United States Geological Survey – tumama ang 5.9 magnitude na lindol sa Sumba Island.

Pero makalipas lang ang 15 minuto, nasundan pa ito ng mas malakas na 6.0 magnitude quake sa parehong lugar.


Ang lindol ay may lalim na 30 kilometers.

Ang Sumba Island ay may layo lang na 1,600 kilometers sa timog ng Sulawesi Island na nauna nang tinamaan ng 7.5 magnitude na lindol at tsunami noong Biyernes kung saan nasa mahigit 800 katao na ang kumpirmadong patay.

Facebook Comments