NKTI, dumipensa sa pagkakaladkad nito sa nabunyag na sindikato ng kidney organ trafficking

Dumipensa ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa pagkakasangkot ng kanilang nurse sa sindikato ng kidney organ trafficking.

Kanina buong pwersa humarap sa media ang lahat ng mga opisyal ng NKTI.

Pero, di-nila iniharap ang sinasabing lider ng sindikato na si Allan Ligaya.


Nagkataong day off umano si Ligaya.

Sa pulong balitaan, nilinaw ni Rose Marie Rosete Liquete, Executive Director ng NKTI na hindi head nurse kundi staff nurse lang si Ligaya.

23 taon na ito sa serbisyo at wala umanong masamang record.

Wala rin umaano itong kaugnayan sa kidney transplant donor and operation.

Giit ni Liquete, pinayuhan na nila si Ligaya na personal na magtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) upang linisin ang kaniyang pangalan

Facebook Comments