NKTI, inaasahan na ang pagdami ng mga pasyente dahil sa leptospirosis

Inaasahan na ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang pagdami ng pasyente dahil sa leptospirosis matapos ang pananalasa ng mga bagyo.

Ayon kay NKTI Executive Director Rose Marie Liquete, nagulat sila dahil umabot sa 28 ang isinugod sa loob lang ng isang araw.

Sa ngayon, nasa 60 na ang naka-admit sa ngayon dahil sa leptospirosis.


Tiniyak naman ni Liquete na inaayos na nila ang rehabilitation center ng ospital para magsilbing leptospirosis ward.

Isasailalim din aniya sa COVID-19 swab test ang lahat ng dadaan sa mga emergency room.

Facebook Comments