NKTI, nagdeklara na ng full capacity; ER admission, lilimitahan na

Lilimitahan na muna ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang pagtanggap ng pasyente sa emergency room nito matapos na maabot ang full capacity dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 at leptospirosis.

Sa abiso ng ospital, lilimitahan nila ang ER admission sa emergency, urgent at renal cases.

Puno na ang hospital beds at limang tent nito para sa mga COVID-19 patients.


Habang binuksan na rin ng NKTI ang gym ng ospital para sa mga pasyenteng tinamaan ng lepstospirosis at ginamit ang ibang pasilidad para sa mga confirmed at suspected COVID-19 cases.

Simula bukas, babawasan din ng ospital ang outpatient consultation ng kanilang Internal Medicine and Nephrology.

Kinakailangan kasi nilang i-reassign ang kanilang medical at nursing staff sa kung saan sila mas kailangan.

Facebook Comments