Nanawagan ang National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City sa mga gustong mag-donate ng dugo para matugunan ang pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng maysakit na leptospirosis.
Ayon kay Dr. Romina Danguilan, pumalo na sa 32 ang mga pasyente na isinugod sa NKTI mula sa dating bilang na labing anim.
Mula sa naturang bilang, anim ang kritikal 3 ang nasa intensive care unit (ICU), kakailanganin na ang dugo para isailalim sa dialysis ang mga may tama sa kidney.
Dahil sa dumaming pasyente, ginawa na tuloy ng leptospirosis ward ang NKTI Multipurpose Hall.
Nakukuha ang leptospirosis sa infection dulot ng contact sa ihi ng daga na karaniwang naghahalo sa tubig baha, kabilang sa sintomas ng leptospirosis ay ang mataas na lagnat na may panginginig, pananakit ng ulo, abdominal pain, rashes at paninilaw ng mata.