NLCC, magpupulong vs POGO

Magkakaroon ng pagpupulong ang National Law Enforcement Coordinating Committee (NLCC) para talakayin ang usapin hinggil sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Marbil, posibleng ngayong linggo o susunod na linggo magaganap ang pagpupulong.

Layunin na mapag- usapan ang mga iregularidad na umuusbong sa operasyon ng POGO na una nang tinawag ng National Security Council (NSC) na ‘national security concern.’


Ani Marbil, lumalabas lamang kasi ang mga paglabag sa batas ng POGO kapag ito ay in-operate na ng mga awtoridad.

Kadalasang natutuklasang krimen sa POGO ay human trafficking, prostitution, kidnapping, cyber scam, illegal drug trade, torture, surveillance at maging cyberattack sa government agencies.

Facebook Comments