NLEX at SCTEX, may alok na free toll sa mga medical frontliners

54

Libre na ang toll ng mga Medical Frontliner na daraan sa NLEX at SCTEX sa kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine.

Ayon sa pamunuan ng NLEX, ito ay bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa dedikasyon ng mga health workers na makatulong sa paglaban sa COVID-19.


Para ma-avail ang free toll, magpakita lang ng PRC ID at kumuha ng toll-free RFID sticker.

Kung mayroon nang RFID sticker, i-enroll ito sa free pass program.

Pwedeng magpa-enroll at install nito sa NLEX Balintawak Customer Service Center mula lunes hanggang sabado mula alas 8:30 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

 

Facebook Comments