Unti-unti nang dumarami ang mga motorista na dumadaan sa North Luzon Expressway (NLEX) maging sa South Luzon Expressway (SLEX) upang makauwi sa kanilang probinsya.
Sa ngayon, dahil sa RFID na ang gamit ng karamihan, hindi na masyado naiipon ang mga sasakyan sa toll gate.
Ayon kay Arlette Capistrano, assistant vice president ng Metro Pacific Tollways South Corporation, noong April 8 pa sila nakahanda sa pag-uwi sa probinsya ng mga motorista.
Sinabi ni Capistrano na noong weekend ng mapansin ang pagdami ng mga sasakyan sa toll plaza.
Tiniyak naman ng kanilang pamunuan na may mga tauhan silang aalalay sa mga motorista kung saan mayroong karagdagang traffic enforcer sa field at may free towing sa mga magkakaaberyang sasakyan.
Facebook Comments