NLEX Corporation, balik-operasyon na matapos alisin ang suspensyon ng business permit nito.

Balik-operasyon na ang North Luzon Expressway (NLEX) Corporation matapos ipag-utos ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang conditional lifting ng suspensyon ng business permit nito.

Ayon kay Gatchalian, hanggang nitong tanghali na lamang ngayong araw ang toll holiday sa mga toll plaza sa lungsod.

Ibig sabihin, maniningil na muli ng bayarin sa toll ang NLEX matapos ang conditional lifting.


Kasabay nito, nilinaw naman ni Gatchalian na hindi pa rin sisingilin ng NLEX ang mga motoristang dumadaan kahit tapos na ang toll holiday.

Samantala, mananatiling nakabukas ang mga cash lanes sa mga expressways na hawak ng San Miguel Corporations (SMC) hanggang sa ika-11 ng Enero sa susunod na taon.

Kabilang dito ang cash lanes sa South Luzon Expressway, Skyway, NAIA Expressway, Tarlac – Pangasinan – La Union Expressway, at Star Tollway.

Nagpaalala ang pamunuan ng SMC Tollways na walang mangyayaring hulihan sa mga sasakyang walang Autosweep RFID sticker.

Facebook Comments