Handa na ang North Luzon Expressway (NLEX) sa malaking volume ng mga motorista ngayong holiday season.
Kasunod na rin ito ng inaasahang pag-uwi sa probinsya ng ilan sa ating mga kababayan upang doon ipagdiwang ang Kapaskuhan.
Ayon kay NLEX Expressways Senior Traffic Manager Robin Ignacio, mula kahapon ay itinigil na nila ang lahat ng roadworks upang maiwasan na magdulot ito ng pagsisikap ng daloy ng trapiko.
Nagdagdag na rin sila ng mga personnel matapos na buksan ang lahat ng driving lanes maliban na lang sa southbound direction ng Candaba Viaduct.
Nabatid na ang average daily number ng sasakyang bumabagtas ng NLEX ay nasa 280,000 hanggang 60,000.
Inaasahang maitatala ng NLEX ang peak ng mga motorista sa Biyenes, December 23, sa December 29, at sa January 2, 2023.