NLEX Harbor Link C3-R10 Section, bubuksan na sa June 15

Bubuksan na sa ika-15 ng Hunyo ang C3-R10 Section ng North Luzon Expressway (NLEX) Harbor Link na babagtas mula Caloocan Inter-Change hanggang Navotas City.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, sa pamamagitan ng expressway, mababawasan ang travel time mula Caloocan hanggang Road-10 sa Navotas, kung saan mula isang oras magiging sampung minuto na lang ito.

Layon din nitong mapabuti ang sitwasyon ng trapiko sa mga area ng; Caloocan, Malabon, Navotas At Valenzuela O Camana Area.


Facebook Comments