Pinal na ininspeksyon ngayong umaga ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang NLEX Harbor Link Segment 10 sa Karuhatan, Valenzuela.
Ayon kay Villar, ang 5.65-km elevated expressway na isa sa big-ticket projects ng “Build Build Build” Infrastructure Program ng Duterte Administration ay magsisilbing alternative corridor para sa mga motorista mula Central at North Luzon, Quezon City at Valenzuela.
Ayon pa kay Villar, paiikliin ng NLEX Harbor Link Segment ang oras ng biyahe ng mga malalaking trucks na babagtas mula Manila Harbor Port hanggang NLEX.
Aniya, mula sa dating isang oras na ay magiging limang oras na lamang ang ibibiyahe ng mga trucks.
Abot sa 30,000 na heavy trucks ang inaasahang gagamit dito kada araw.
P9 lamang ang ipapataw ng toll fee, pero magiging libre muna ang paggamit dito sa unang tatlong linggo ng operasyon.
Inaasahang bubuksan na ang NLEX Harbor Link sa buwang kasalukuyan.