Sunday, January 25, 2026

NLEX, naglabas ng abiso kaugnay ng lighting restoration sa Balintawak Cloverleaf at Toll Plaza

Naglabas ng abiso ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) kaugnay ng isasagawang lighting restoration works sa bahagi ng Balintawak Cloverleaf hanggang Balintawak Toll Plaza.

Pansamantalang isasara ang gitnang bahagi ng naturang seksyon, kung saan ang leftmost lane o lane one ng northbound at southbound ang sasailalim sa pag-aayos.

Ayon sa NLEX, isasagawa ang restoration works mula bukas, January 26 hanggang February 1, sa pagitan ng alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.

Pinapayuhan ang mga motorista na maglaan ng dagdag na oras sa biyahe at sundin ang mga traffic signs at abiso ng NLEX habang isinasagawa ang naturang proyekto.

Facebook Comments