NLEX, nangangailangan ng 1,500 na trabahador

Nangangailangan ngayon ang North Luzon Expressway (NLEX) Corporation ng halos 1,500 technical, skilled and unskilled workers na tutulong upang matapos na ang kanilang 8 kilometers connector mula Grace Park, Caloocan hanggang Espanya sa Maynila.

Layon nitong bigyan ng oportunidad ang mga Pilipino partikular ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na napauwi sa bansa bunsod ng COVID-19 pandemic.

Sa interview ng RMN Manila, sinisiguro ni NLEX Senior Vice President Atty. Romulo Quimbo na makakatulong sa paglikha ng trabaho ang malalaking proyektong gaya nito.


Mapapabilis din aniya nito ang pagbyahe at mas papasiglahin pa nito ang ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments