NLEX, wagi kontra Dyip; 107-97

Nasungkit ng NLEX Road Warriors ang kanilang kauna-unahang panalo sa naging laban nila kontra Columbian Dyip sa PBA Philippine Cup.

Tinapos ng NLEX ang kanilang tatlong sunod na pagkatalo matapos talunin ang Columbian sa score na 107-97.

Naging bida sa panalo si Poy Erram na nagtala ng 23 points at 10 rebounds.


Ikinatuwa naman ni NLEX coach Yeng Guiao ang panalo kung saan umaasa siya na madadala ng kaniyang mga players ang momentum hanggang sa susunod na laban kontra Meralco Bolts sa February 2, 2019 (Saturday).

Facebook Comments