
Kinondena ng National Maritime Council (NMC) ang ginawang panghaharass sa mga Pilipinong mangingisda ng Chinese Coast Guard Vessel sa Escolda Shoal sa loob ng Exclusive Economic Zone o EZZ ng Pilipinas.
Matatandaan na naganap ang nasabing insidente noong Disyembre 12 kung saan nasa 20 fishing boats ang binomba ng tubig, nagsagawa mg hazardous blocking maneuvers, at hostile actions ang Chinese Coast Guard Vessel.
Kung saan kasama dito ang pagputol ng anchor lines na nagresulta sa 3 mangingisda na nasaktan at dalawang nasirang bangka.
Dahil dito ay idineploy ang BRP Malapascua at BRP Cape Engaño para mag-assist, magbigay ng tulong medikal at suplay sa kabila ng delikadong pagmamaniobra mula sa mga barko ng CCG .
Kaugnay nito, ay magbibigay ng kaukulang diplomatic response ang Pilipinas sa malaki nitong pagtutuol sa ginawang aksyon ng China.










