NMIS, hindi inirerekomenda ang pagbenta ‘online’ ng meat products

Hindi sang-ayon ang National Meat Inspection Service (NMIS) sa pagbebenta ng meat products sa online.

Ayon sa NMIS, hindi nakikita ang kalidad ng mga karne dito dahil nakadepende lamang sa textual description at imahe na binibigay ng mga seller.

Sa pagbili ng highly perishable foods tulad ng karne, anumang hindi tama o sobrang presentasyon ng detalye ay maaaring maging sanhi pa ng potensiyal na peligro sa kaligtasan sa pagkain.


Dahil dito, hinihikayat ng NMIS ang publiko na bumili na lamang ng karne sa mga local stores kung saan makikita ng aktuwal ang mga paninda.

Kung sakali namang sa online selling ng meat products, dapat tiyakin na galing ito sa licensed meat suppliers at entities at alam ang source ng produkto.

Importante rin na nakaimbak sa cooler o insulated container ang imported meat products upang mapanatili ang pagiging sariwa.

Kung hindi anila nasusunod ang ganitong pamamaraan, mas maige para sa mga consumers na huwag nang bumili ng imported meats lalo na kung hindi nakalagay sa cooler.

Facebook Comments