NMIS, pinag-iingat ang publiko laban sa mga imported meat na ibinebenta na may fake “Certificate of Meat Inspection”

Pinag-iingat ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang publiko na huwag basta bumili ng imported meat na may tampered Certificate of Meat Inspection o COMI na may electronic signature.

Kasunod ito ng ulat na natanggap ng NMIS na may ilang traders at online sellers ang nagbebenta ng imported meat gamit ang fake COMI.

Babala pa ng NMIS na ang paggamit ng official marks at certificate ay may katapat na kaparusahan sa ilalim ng Meat Inspection Code of the Philippines.


Para matiyak na ligtas ang karne para sa lahat, pinayuhan ang publiko na i-report ang anumang trade transaction ng imported meat na kuwestyunable ng NMIS.

Facebook Comments