NMIS R02, TUTUTUKAN ANG REGULAR INSPECTION SA MGA SLAUGHTER HOUSE

Cauayan City – Mahigpit na tututukan ng National Meat Inspection Services Region 2 (NMIS R02) ang pagsasagawa ng inspection sa mga slaughterhouse at meat processing plant sa buong lambak ng Cagayan.

Ito ay upang matiyak ang kaligtasan at kalidad ng mga karne na ibinebenta sa mga pamilihan, at upang matugunan ang isyu kaugnay sa hindi wasting proseso ng pagkatay ng mga karne na maaring pagmulan ng panganib sa kalusugan ng mga konsyumer.

Bagama’t hindi umano sapat ang bilang ng meat inspectors sa Rehiyon, ikinatuwa ng ahensya na marami pa rin ang mga LGU na sumusunod sa mga inilabas nilang patakaran.


Bukod pa rito, patuloy rin ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga LGU’s upang masiguro na maayos ang ginagawang operasyon ng mga pasilidad at sumusunod ang mga ito sa mga alituntunin.

Samantala, patuloy rin na nananawagan ang ahensya sa mga mamimili na maging mabusisi sa pagbili ng mga produktong karne upang makita nila ang kalidad nito at nang sila ay makaiwas sa anumang sakit.

Facebook Comments