NNC, nababahala sa patuloy na kagutuman sa mga Pilipino households

Naalarama ngayon ang National Nutrition Council (NNC) sa lumalalang kagutuman sa bawat pamilyang Pilipino.

 

Ayon kay Jovita Raval, Deputy Executive Director ng National Nutrition Council, batay sa kanilang Food and Nutrition Research Institute Survey, nasa 33.4% ng Filipino households o isa sa kada tatlong pamilya ang di natutugunan ang nutritional requirements ng bawat pamilyang Pilipino.

Isa aniya sa dahilan dito ay ang kawalan ng economic access ng mga pamilyang ito para matugunan ang pangangailangang pang nutrisyon ng pamilya.


Dulot na rin aniya ito ng tumataas na presyo ng agricultural products at ang pagdepende ng pamahalaan sa agricultural imports.

Facebook Comments