NNC, nagbigay ng tips para sa pagsalubong ng Pasko at Bagong Taon nang may tamang nutrisyon

Tinalakay sa Episode 20 ng Nutrisyom mo, Sagot ko ng National Nutrition Council kung paano natin sasalubungin ang Pasko at Bagong Taon nang may tamang nutrisyon.

 

Nagbigay ng tips at paalala ang guest expert na si Ms. Luz Felicidad Callanta, Board Member ng Philippine Society of Nutritionist-Dietitians, Inc., Assistant Professor at Chairperson ng Office of Community Extension Services ng University of the Philippines – Diliman para sa isang happy at nutritious celebration ng Christmas season.

Ayon kay Callanta, batay sa Department of Health ay tumataas ang bilang ng non-communicable diseases tulad ng cancers, cardiovascular disease at diabetes tuwing holiday season dahil sa mga kinakain natin kaya dapat bantayan maigi ang ating pagkain.


Sa kabila ng kaliwa’t kanang kainan handaan ngayon Pasko at Bagong Taon, sinabi ni Callanta na mae-ejoy pa rin natin ito sa pamamagitan ng disiplina at sumunod sa inyong diet lalo na sa mga may sakit.

Ilan sa tips na ibinigay ni Callanta ay ang pagkain muna ng prutas bago ang iba pang putahe o pagkain.

Mas mainam rin aniya na fresh fruits ang gamitin sa fruit salad at gawing sugar free ang mga desert na ihahanda.

Sa paghahanda na ulam, maaring piliin ang isda at gulay kaysa sa matatabang pagkain tulad ng baboy.

Imbes rin aniya na soft drinks ay mas magandang tubig na lamang na may halong fresh lemon at ibang prutas ang inumin.

Pagbibigay diin ni Callanta, disiplina lang ang kailangan para happy at nutritious ng pagsalubong ng holiday season.

Facebook Comments