NNIC, nagpalabas ng bagong protocol sa VIP services sa NAIA

May bagong protocol ang New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) para sa accommodations sa Very Important Persons (VIPs), Important Persons (IPs) at sa mga pasaherong nagre-request ng VIP treatment sa NAIA.

Layon nito na matiyak na magagamit sa tama ang serbisyo at matitiyak ang seguridad sa paliparan.

Alinsunod din anila ito sa standards na itinakda ng International Civil Aviation Organization (ICAO).


Sa ilalim din ng bagong protocol, ang mga hindi pasahero ay hindi na papayagan sa meet-and-greet services o maghatid sa mga paalis na VIPs at IPs.

Habang ang VIP entourage ay magiging limitado na lamang sa essential personnel para hindi makaabala sa pagproseso sa mga pasahero.

Facebook Comments