
Nagsasagawa na ang New NAIA Infra Corp. (NNIC) ng audit sa security bollards sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kasunod ito ng nangyaring trahedya sa NAIA 1 noong Linggo kung saan biglang umarangkada ang isang SUV at nasagasaan ang ilang indibidwal sa departure area.
Ayon sa NNIC, magsasagawa sila ng redesigning sa departure passenger drop-off areas sa NAIA Terminals 1 and 2.
Kabilang sa tinitingnan ngayon ng NNIC ang pagkakalagay sa bollards sa paliparan kung malalim ba ang pundasyon nito o kailangan na ng structural upgrades.
Babaguhin din ng NNIC ang diagonal passenger drop-off layout sa NAIA 1 at 2 departure areas para matiyak ang proteksyon ng mga pasahero, well-wishers, airport staff, at ng may mga access sa terminal curbside.









