NNIC, tiniyak sa publiko ang status quo sa paglilipat ng terminals sa airlines sa NAIA

Tiniyak sa publiko ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) ang status quo sa paglilipat ng terminals ng airlines.

Ayon kay NNIC General Manager Angelito Alvarez, walang dapat ikabahala ang publiko dahil hindi sila agad-agad magpapatupad ng terminal reassignments.

Aniya, marami pa silang mga pinaplantsang pagbabago sa ngayon at pinag-aaralan pa nila ang kanilang mga susunod na hakbang.


Tiniyak din ng NNIC na agad silang mag-aabiso sa publiko sakaling magpatupad sila ng mga pagbabago sa NAIA tulad ng paglilipat ng terminals sa airlines.

Una nang nabulabog ang publiko sa napaulat na biglaang paglilipat ng terminals sa airlines.

Facebook Comments